Marian, Nakabalik na ng Manila

By Night Owl on 10:03 PM

Filed Under:

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles

Kundi kahapon, this Thursday lang nakabalik ng Manila si Marian Rivera galing sa shooting ng Temptation Island sa Paoay, Ilocos Norte. Hindi na natuloy ang balak ni Dingdong Dantes na dalawin ang nobya sa set ng pelikula, pero makakapagsimba pa rin silang magkasama dahil nakabalik na ang aktres.

Nabanggit kasi ni Dingdong sa set ng I Heart You Pare na kundi niya mabibisita si *Marian sa shooting nito, either Subic o sa Batangas siya this Holy Week, pero dahil nakabalik na ang GF, magkasama pa rin silang pupunta sa Subic.

Sabi pala ni Dingdong, kung may chance, gusto niyang magbakasyon sa Maldives at siyempre pa, si Marian ang gusto niyang kasama.


Share

0 comments for this post